^

Metro

PNP pinuna ng COA sa 207 donated vehicles

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng Philippine National Police (PNP) na maitala sa kanilang libro ang 207 sasakyan na idinonate ng mga foreign governments, private foundations at mga korporasyon, at iba pang tanggapan ng gobyerno mula 2017 hanggang 2020.

Sa kanilang 2021 annual audit report sa PNP, sinabi ng COA na ang non-submission o hindi pagsusumite ng Deed of Donations at iba pang kaukulang dokumento gaya ng Acceptance Report, Supply Directive, Property Acknowledgement Receipt (PAR), Property Transfer Report, Invoice at Delivery Receipt ng mga concerned officers, ay nagi­ging dahilan upang hindi mairekord ng Accoun­ting Division sa kanilang books of accounts ang mga naturang donasyon.

Sinabi ng COA na hanggang noong Dis­yembre 31, 2021, nasa P267.085 milyong ha­laga ng donated motor vehicles, equipment at supplies ang hindi pa rin naitatala sa book of accounts ng PNP.

Anang COA, ito ay dahil sa pagkabigo ng mga PNP supply accountable officers (SAOs) at logistics officers na isumite sa Accounting Division ang mga Deeds of Donations at supporting documents nito.

Bukod sa mga naturang sasakyan, hindi rin naitala ng PNP sa kanilang book of accounts ang iba pang in-kind donations, kabilang ang P3.65-milyong ha­laga ng mga kagamitan.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with