^

Metro

Higit 2.5 milyong residente ng Quezon City, fully vaccinated na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Quezon City government na umaabot na sa 2,557,497 residente ng lungsod ang fully vaccinated na sa lungsod hanggang noong Agosto 13, 2022.

Nabatid na ikinukonsiderang fully vaccinated ang isang indibidwal kung sila ay nakatanggap na ng kanilang primary series o first at second dose ng COVID-19 vaccine o di kaya ay nakatanggap ng single-dose ng Janssen vaccine.

Samantala, mayroon na ring 1,233,770 residente ang nakatanggap na ng kanilang COVID booster shots.

Sa kabuuan, 6,361,687 vaccine doses na ang nai-administer ng lokal na pamahalaan simula nang simulan nila ang kanilang “QCProtekTODO” Vaccination Program.

Tiniyak naman ng QC government na ipagpapatuloy nila ang pagbabakuna sa mga residente, partikular na ang mga menor-de-edad, may comorbidity man sila o wala.

Pinayuhan din nito ang mga residente na nais magpabakuna na upang mabigyan ng iskedyul ay maaaring magrehistro ang mga residente sa kanilang QC Vax Easy website na https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.

Ang positivity rate ay ang bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 matapos na isailalim sa pagsusuri habang ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente ng COVID-19.  Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaan ng virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with