^

Metro

Rollback uli sa diesel, kerosene asahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rollback uli sa diesel, kerosene asahan
Motorist line up to fill gas in gas station along Nangka JP Rizal in Marikina early afternoon on Monday (June 20, 2022).
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Magandang balita!

May aasahan na namang panibagong rollback sa presyo ng diesel at kerosene ngayong darating na linggo habang posibleng bahagyang tumaas o bumaba naman ang halaga ng gasolina sa lokal na merkado, ayon sa mga oil industry experts.

Base sa trading sa world market, inaasahan na matatapyasan ang presyo ng diesel mula P0.90 hanggang P1.20 kada litro habang ang kerosene naman ay mula P0.20 hanggang P0.50 kada litro.

Posible naman na bahagyang tumaas ng P0.10 kada litro o bumaba ng hanggang P0.20 ang kada litro ng gasolina depende sa magiging takbo ng merkado.

Ito na ang ikaanim na sunod na rollback sa mga produktong petrolyo sa bansa, habang nagpapa­tuloy pa rin naman ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa kabila nito, hindi pa nakikitaan ng mga eksperto na magiging normal na ang presyuhan ng langis dahil sa nananatili pa rin ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at ng Russia.

FUEL PRICE

ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with