^

Metro

Ginang na wanted sa child abuse, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang 38-anyos na ginang na wanted sa kasong child abuse sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Navotas nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Navotas City Police Chief P/ Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado na si Miracle Sumbeling, ng Blk 25 Lot 7 Sampaguita St., Pabahay, Brgy Tanza 2, Navotas City.

Sinabi ni Ollaging, dakong alas-2:05 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 1 sa isi­nagawang joint manhunt operation ang akusado sa kanilang tahanan.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na naispatan ang presensya ni Sumbeling matapos itong magbalik para bumisita sa kanilang tahanan sa nasabing lugar.

Si Sumbeling ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 Family Court, Navotas City kaugnay ng kasong Special Protection of Children Against Child Abuse Exploitation And Discrimination Act. (Anti-Child Abuse Law) (Sec. 10 of RA 7610).

Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Navotas City Police ang akusado habang hinihintay pa ang issuance ng commitment order ng korte laban dito.

CHILD ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with