^

Metro

COVID-19 outbreak, posible sa face-to-face classes

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 outbreak, posible sa face-to-face classes
Pupils of Concepcion Elementary School in Marikina attend bridging classes on Wednesday, Aug. 10, 2022. A bridging class is designed for students to catch up the subjects that are needed to be mastered including Math, Science, AP and English.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi umano maiiwasan na magkaroon ng outbreak ng COVID-19 sa mga mag-aaral sa pagbabalik ng ‘face-to-face classes’ sa bansa, ayon sa OCTA Research group kahapon.

Pero naniniwala si OCTA fellow Dr. Guido David na hindi na ito magdudulot ng panibagong ‘surge’ lalo na kung agad na mako-contain ang mga outbreak sa mga paaralan sa mga ikakasang mga panuntunan.

“Hindi naman natin maiiwasan na magkaroon ng mga outbreak — di naman siguro surge pero may mga magkakaroon ng outbreak sa schools.

Kung magkakahawaan, it will be expected,” ayon kay David. “We have to make sure that concerned institutions are ready,” panawagan ni David kasabay ng pagsasabi na naniniwala siya na magiging asymptomatic o mild lamang ang magi­ging mga kaso ng mga bata sakaling tamaan ng virus dahil sa malalakas ang katawan ng mga bata.

Nananawagan siya sa mga paaralan na ngayon pa lang ay maghanda na ng mga plano para sa ‘face-to-face classes’, tulad ng pagbakuna sa kanilang mga guro at tamang bentilasyon, at mga polisiya para sa gagawing aksyon sa oras na magkaroon ng ‘outbreak’ ng virus.

FACE TO FACE CLASSES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with