^

Metro

P36 milyong puslit na sibuyas, nasamsam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P36 milyong puslit na sibuyas, nasamsam
A vendor in public markets in Marikina City arranged his white onion produce, which he sold for P380 per kilo on Friday (August 12, 2022).
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Patuloy na nagaganap ang operasyon ng mga smugglers ng gulay makaraang nasa P36 milyong halaga ng sibuyas ang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro sa Misamis Oriental nitong Huwebes.

Sa ulat ng BOC, may 12 container vans ang nasabat sa Mindanao International Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental makaraang makatanggap si Elvira Cruz, district port collector, ng impormasyon sa posibleng maling deklarasyon ng agricultural product.

Nanggaling ang shipment sa China at naka-consign sa Frankie Trading Enterprises at Primex Export and Import Producer. Idineklara nila ang shipment na ‘spring roll patti’ at ‘plain churros’.

Ngunit nang buksan ang mga container vans nang magsagawa ng 100% physical examination, bumungad ang mga pula at puting mga sibuyas na may kabuuang halaga na P36 milyon.

Naglabas na ang BOC ng warrant of seizue and detention laban sa shipment sa ilalim ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act.

Nangako si Cruz na tuluy-tuloy ang kanilang maigting na kampanya laban sa agricultural smuggling sa Northern Mindanao, habang hindi tumitigil ang mga smugglers sa kanilang iligal na gawain na nakakaapekto sa industriya ng pagsasaka sa bansa.

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with