^

Metro

Omicron wave sa NCR nag-peak na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang OCTA Research Group na posibleng nag-peak na ang Omicron wave sa National Capital Region (NCR) makaraang bumaba na ang natutukoy na mga bagong kaso.

Unang sinabi ng OCTA na posibleng nag-peak na ito noong Hulyo 16-23 nang ma­­ka­pagtala ng mas mababang mga kaso ngunit muling tumaas ng sinundan na linggo.

Kahapon, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na muli silang naka-monitor ng pagbaba ng kaso sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw.  Ganito rin umano ang sitwasyon ngayon sa Iloilo na bumababa na ang ‘growth rate’.

“We see that maybe, cases have peaked in Metro Manila, hopefully, it will continue too in Iloilo and maybe a few other provinces. But in other regions, cases are still rising and not yet at its peak,” saad ni David.

Sa kabila nito, patuloy na nanawagan si David sa publiko ng iba­yong pag-iingat sa sarili at pagsunod sa ‘minimum public health standards’ lalo na at maraming mga taga-NCR na ang nakikitang hindi nagsusuot ng face mask habang nasa labas ng bahay.

OCTA

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with