^

Metro

P10 milyong shabu nasabat sa bigtime ‘tulak’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang bigtime pusher sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director BGen. Remus Medina ang nadakip na  suspek na si Jayson Espinar, 38 at residente ng Brgy. San Bartolome, Q.C. Iniulat ni Pcol. Von June Nuyda, Novaliches Police Station 4 commander na pasado alas-2:00 ng madaling araw kahapon nang isagawa ang drug operation sa Carlos St., Montville Place Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, nang magkunwaring buyer ng shabu ang isang pulis na nakipagtransaksyon sa suspek.

Sinasabing nang iaabot na ng suspek sa poseur buyer na pulis ang droga ay agad na hinuli si Espinar.

Nakumpiska mula sa suspek ang 1.5 kilogram na shabu na nagkakahalaga ng P10,200,000, digital weighing scale, celphone na gamit sa pakikipag-transaksyon sa mga parukyano nito gayundin ang buy-bust money.

Sinasabing bago mahuli ay matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang suspek makaraang makatanggap ng tip ang pulisya hinggil sa iligal na gawain ni Espinar. Ang suspek ay sinasabing may dating kaso na may kinalaman sa iligal na droga at robbery hold-up.

Si Espinar ay nakakulong na sa Camp Karingal detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

QCPD

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with