^

Metro

Number coding balik na sa Agosto 15  

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding balik na sa Agosto 15   
Ayon sa MMDA, sa Agosto 15 ay iiral na ang number co­ding scheme na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi kapag weekdays maliban sa holidays.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dara­ting na Agosto 15 ang muling pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa MMDA, sa Agosto 15 ay iiral na ang number co­ding scheme na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi kapag weekdays maliban sa holidays.

Ito ay matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng mga mayor ng Metro Manila, sa isang pulong kahapon ang MMDA Resolution No. 22-14 Series of 2022, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng bulto ng mga sasakyan sa NCR sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Ang muling pagpapatupad ng number coding scheme sa NCR ay magpapababa ng traffic volume ng dalawampung porsyento (20%) sa umaga at hapon/gabi na peak hours.

Bago ang pandemya ng COVID-19, ang average na bilang ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA araw-araw ay nasa 405,000.

Batay sa pinakahuling bilang ng dami ng sasakyan na isinagawa ng MMDA Traffic Engineering Center noong Agosto 4, tinatayang 387,000 sasakyan ang dumaan sa EDSA. Ang volume ay inaasahang tataas sa 436,000 o mas mataas kaysa sa pre-pandemic level.

Samantala, iiral ang mga umiiral na number coding ordinance ng kani-kanilang local government units sa mga sekondaryang kalsada.

Samantala, ilang mga sasakyan ang exempted sa number coding scheme.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with