^

Metro

Transport group: 55K unit ng jeepney, balik-pasada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Transport group: 55K unit ng jeepney, balik-pasada na
PUJs ply their route along EDSA-Aurora Boulevard intersection in Quezon City on Thursday, June 9, 2022. The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has recently approved the P1 provisional fare hike for jeepneys in Metro Manila, Regions 3 and 4.
THE STAR / Miguel Antonio De Guzm

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng isang transport group na 55,000 ng mga pampasaherong jeep ang magbabalik na sa pagbiyahe  matapos na matagal na matigil dahil sa  pandemya ng COVID-19 at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Ka Mody Floranda, pangulo ng Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), nasa mahigit 55,000 na ng unit ng mga jeep ang magbabalik kalsada sa ngayon.

Bunsod na rin aniya ito nang muling pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng may mga da­ting ruta na ipinasara, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Sinabi ni Floranda na ma­laking bagay din ang pagbaba na sa presyo ng krudo kaya’t pinayagan na rin ng ilang operators na mamasada muli ang kanilang mga jeepney drivers.

Samantala, may ilang mga operators na hirap pa ring makabalik sa pamamasada ang mga jeep dahil kailangan pa itong ayusin ang kanilang mga unit matapos na matengga ng halos dalawang taon.

Nabatid na kailangan ng mga ito ng nasa P40,000-P50,000 na budget para sa pagpapaayos ng mga jeep.

Samantala, pinaplan­tsa na nga ng LTFRB na magbukas ng ruta para sa mahigit 100 bus, jeep at UV Express  sa Metro Manila para punan ang kaila­ngang mga pampasaherong sasak­yan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan ngayong buwan.

“ We will issue the memorandum circular on this new routes or modified routes as you will call it to address the need for more buses ang vehicles for the face-to-face classes. The routes are comprised of buses, jeepneys, and UV Express,” pahayag ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil.  — Angie dela Cruz

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with