^

Metro

LRTA: Libreng sakay ng LRT-2, simula na sa Agosto 22

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRTA: Libreng sakay ng LRT-2, simula na sa Agosto 22
Sa isang Laging Handa public briefing,  sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na upang mai-avail ang programa, kakailanganin lamang ng mga estudyante na iprisinta ang kanilang school identification (ID) o patunay ng enrollment, sa LRT-2 passenger assistance center kung saan bibigyan sila ng single-journey ticket.
Light Rail Transit Authority

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga estudyante na magbabalik eskuwela simula sa Agosto 22.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang tulungan ang mga estudyante sa kanilang pagbalik sa mga paaralan.

Sa isang Laging Handa public briefing,  sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na upang mai-avail ang programa, kakailanganin lamang ng mga estudyante na iprisinta ang kanilang school identification (ID) o patunay ng enrollment, sa LRT-2 passenger assistance center kung saan bibigyan sila ng single-journey ticket.

Magtatagal lamang naman aniya ang naturang free ride program hanggang sa Nobyembre 5.

“After that babalik na po tayo doon sa normal na 20 percent discount para sa ating mga estudyante,” ani Cabrera.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ni Cabrera ang mga mag-aaral at iba pang riding public sa patuloy na pagpapatupad ng COVID-19 safety protocols tulad ng temperature checks, mandatoryong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at pag-iwas sa pagkain at pagsasalita habang nasa loob ng tren.

Ang full face-to-face classes para sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ay magsisimula naman sa Nobyembre 2, 2022.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto sa Maynila at Antipolo City sa Rizal.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with