^

Metro

Signal jamming sa mga bilangguan, suportado ng BJMP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang panukalang pagpapatupad ng signal jamming sa mga bilangguan, upang mapigilan ang transaksiyon ng ilegal na droga sa loob ng kanilang mga pasilidad.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na makatutulong ang signal jamming upang mapigilan ang pakikipag-komunikasyon ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga kontak sa labas ng bilangguan.

“That’s a welcome development as far as the BJMP is concerned,” ayon kay Solda.

“Importante ‘yan kasi kung ‘yan din ‘yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin ‘yung possible communications with the PDLs and possibly ‘yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” aniya pa.

Umaasa rin si Solda na ipaprayoridad ng pamahalaan ang naturang panukala dahil nangangailangan aniya ito ng pondo.

Una nang inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang paggamit ng signal jammers upang maputol ang komunikasyon ng mga drug lords na sinasabing nag-o-operate pa rin kahit nasa loob na sila ng bilangguan.

Samantala, iniulat din naman ni Solda na 262 na mula sa 477 BJMP jails sa buong bansa ang naideklara nang drug-free habang 40 pa ang deklarado nang drug-cleared.

Ipinaliwanag ni Solda na ang mga drug-cleared na bilangguan ay yaong unang klinasipika bilang drug-affected jail at matapos na isailalim sa drug-clearing operations ay idineklarang drug-free.

Samantala, ang drug-free naman na bilangguan ay yaong pasilidad na wala nang drug personality at drug users at wala na ring ilegal na droga matapos na makapagsagawa ng search at seizure operations doon sa loob ng tatlong sunud-sunod na buwan.

BJMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with