^

Metro

Pagtaas ng kaso ng COVID-19, possible sa pagbabalik ng face to face classes - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagtaas ng kaso ng COVID-19, possible sa pagbabalik ng face to face classes - OCTA
Grade 1 student of St Mary Elementary school in Marikina City during face to face class (June 20, 2022).
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID- 19 sa pagsisimulang muli ng face-to-face classes sa mga paaralan.

Ito ang pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group.

“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaroon nang pagtaas sa kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata. Hindi naman natin sinasabi na ‘wag natin sila ibalik sa eskwelahan kasi more than two years na nakakulong sila. Affected ‘yung ating quality of education at ‘yung schooling ng mga bata, ‘yung social life nila so, kailangan ibalik natin,” sabi ni David.

Ang School Year 2022-2023 ay takdang magbukas sa August 22 at magtatapos ng  July 7, 2023.

Sinabi ni David na upang maiwasan ang impeksyon sa mga mag-aaral, kailangang magkaroon ng kaukulang protocol sa mga silid-aralan tulad ng pagkakaroon ng air ventilation at physical distancing bukod sa kanilang mga guro at iba pang tauhan ng paaralan ay bakunado laban sa virus.

Kaugnay nito, sinabi din ni David na maaaring magtagal ang COVID-19 sa ating bansa dahil sa pagsulpot ng  subvariants  sa panahong matagal na ang last vaccination ng mga tao at hindi ganun kadami ang nagpapa-booster kaya  mahina na ang immunity.

Binigyang diin nito na kailangang  mapalakas ang immunity at maengganyo ang maraming tao na magpa-booster na.

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with