^

Metro

Libreng gamot, kaloob ng Quezon City LGU sa PWDs na may mental health conditions

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Libreng gamot, kaloob ng Quezon City LGU sa PWDs na may mental health conditions
Ito ay nai-post ng lokal na pamahalaan sa ka­nilang facebook page upang ipaalam sa publiko ang naturang benepisyo para sa mga PWDs sa lungsod. Kailangan lamang magtungo at dalhin sa pinakamalapit na health center ang kanilang pres­cription galing sa doktor para mabigyan ng libreng gamot.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May kaloob na libreng gamot na pang maintenance ang Quezon City government para sa mga persons with disabilities (PWDs) na may mental health conditions.

Ito ay nai-post ng lokal na pamahalaan sa ka­nilang facebook page upang ipaalam sa publiko ang naturang benepisyo para sa mga PWDs sa lungsod. Kailangan lamang magtungo at dalhin sa pinakamalapit na health center ang kanilang pres­cription galing sa doktor para mabigyan ng libreng gamot.

Ayon sa QC LGU na kung kailangan ng mga residente na dumaan sa mental health consultations, bukas ang Quezon City General Hospital Psychiatry Department para sa  online consultations.

Ang hakbang ay ginawa ng lokal na pamahalaan makaraang makaapekto ang COVID-19 pandemic sa iba’t-ibang mental health concerns  sa bansa.

Ayon sa National Center for Mental Health, tumaas ang bilang ng namatay dahil sa pananakit sa sarili noong  2020 at tumaas ang natatanggap nilang tawag sa mental health at suicide hotline noong 2021. 

PWDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with