^

Metro

17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na - DepEd
Parents enroll their incoming grade 3 children at Parang Elementary School in Marikina on Monday, August 1, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa higit 17.9 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala na para sa susunod na pasukan.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas-7 kahapon, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 17,900,833 enrollees.

Sa naturang bilang, 1,186,012 ang kindergarten; 8,235,937 ang elementary; 5,789,747 ang junior high school; at 2,689,137 ang senior high school.

Pinakamarami na ang mga estudyanteng nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 2,604,227 na sinusundan ng Region III na may 2,046,017 enrollees at National Capital Region (NCR) na mayroon namang 2,020,134.

Pinakamababa pa rin ang enrollment sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 232,001 pa lamang.

Matatandaang sinimulan ang enrollment noong Hul­yo 25 at magpapatuloy hanggang sa Agosto 22, 2022, na siyang unang araw ng pasukan.

Target ng DepEd na makapagtala ng may 28 milyong mag-aaral para sa nalalapit na pasukan.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with