^

Metro

Parañaque LGU magtatayo ng evacuation center

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang disaster-resilient evacuation center ang itatayo sa Parañaque City para palakasin ang kanilang emergency response at reco­very efforts sa mga oras ng emergency partikular sa pananalanta ng malalakas na bagyo, matinding pagbaha at iba pang mapaminsalang kaganapan.

Sinabi kahapon ni Mayor Eric Olivarez na ang multi-million evacuation center building ay itatayo sa tabi ng socialized housing project ng lungsod sa kahabaan ng C-5 Road Extension, sa Barangay La Huerta.

Batay sa engineering plan, ang evacuation center ay partikular na idinisenyo upang maging disaster-resilient upang matiyak na ang mga apektadong residente ay may access sa ligtas at komportableng mga tirahan sa oras ng mga emerhensiya, ayon kay Olivarez.

Ilang beses na aniya nilang naranasan na sa panahon ng malalakas na bagyo, matinding pagbaha, at iba pang kalamidad, ang mga apektadong pamilya ay inilikas sa mga school building, pampublikong gymnasium, pansamantalang tent at iba pang pasilidad na pag-aari ng gobyerno.

Ang malungkot dito, sabi ni Olivarez ay karamihan sa mga school buildings, hindi lang sa Parañaque, ay walang disenteng banyo para sa lalaki at babae, laundry area, pati na rin water supply at komportableng tulugan ng mga evacuees.

Sinabi ng alkalde na ang bagong disaster-resilient evacuation center ay magkakaroon ng evacuation space na maaaring mag-accommodate sa mga residente sakaling mangangailangan sila ng mas ligtas na lugar sa panahon ng malalakas na bagyo at matinding pagbaha na maaaring magbanta sa kanilang buhay.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with