^

Metro

Project Guide ng DepEd sa Las Piñas, pinuri ni Aguilar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar sa pamamagitan ni  Alelee Aguilar-Andanar sa Department of Education School Division Office sa lungsod sa kanilang matagumpay na pag­lulunsad ng ‘Project GUIDE’ kahapon bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

“The Department of Education has come up with a program to help the parents as they take on a bigger role in becoming educators themselves,” ani Andanar, kapatid ng alkalde at maybahay ni da­ting Malacañang spokeperson Martin Andanar.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag din niya ang kanyang mga damdamin tungkol sa matinding epekto ng pandem­ya sa sistema ng edukasyon at pinuri ang mga magulang para sa kanilang mahalagang papel sa pro­seso ng pag-aaral bilang mga tagapagturo sa tahanan.

Ang Project GUIDE, na nangangahulugang Goal to Unite Involvement for a Desired Enhancement for Parents, ay isang komprehensibong programa na naglalayong proactive na isali ang mga magulang sa mga paraan ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Dumalo rin sa kaganapan si Las Piñas City Councilor Rex Riguera, Assistant Schools Division Superintendent Juan C. Obierna, Educa- tion Supervisor Dr. Gina L. Aguitez, school heads, guidance advocates at educational program supervisors ng 43 iba’t-ibang pampublikong paaralan sa Las Piñas City.

ALELEE AGUILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with