^

Metro

3 tiklo sa shabu, boga sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang ginang  matapos makuhanan ng shabu at baril sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga suspek na sina Ronnie Casador alyas Ronron, 34; Danilo Gaspar, 52 at Mercy Macaday, 47.

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-8 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU ng buy-bust operation sa Mindanao Avenue, Brgy. Ugong kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek.

Nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng sachet ng shabu,  agad na  inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 gramo ng hinihinalang shabu at isang cal. 38 revolver na may apat na bala.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with