^

Metro

Quezon City isinailalim sa 'moderate risk' dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

Philstar.com
Quezon City isinailalim sa 'moderate risk' dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases
Quezon City Hall
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Isinailalim sa "moderate risk" na klasipikasyon ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod sa mga nagdaang linggo.

Anang lokal na pamahalaan ng QC, mula kasi sa 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umakyat ito sa 245.

"Umakyat na rin sa 'moderate' risk ang level ng lungsod ayon sa DOH at OCTA Research. Ibig sabihin, medyo mataas ang risk exposure sa COVID-19," saad nila sa sa isang paskil, Linggo.

Dagdag pa rito, umakyat din anila ang positivity rate ng nasabing lungsod mula 12.9% na ngayo'y 15.2% na.

"Nagkaroon din ng pagtaas sa positivity rate na ngayon ay nasa 15.2% na mula sa 12.9%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19." 

Samantala, bumaba naman ang reproduction number o R0 ng QC sa 1.29.

"Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection," paliwanang nila.

Dahil dito, pinaaalahanan ng QC LGU ang kanilang mga residente na huwag maging kampante at patuloy pa ring obserbahan ang COVID-19 protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa "3cs" — confined, crowded at close-contact settings.

Batay sa pinakabagong datos ng Health Department, nasa 37,805 na ang kasalukuyafg aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

COVID-19

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with