^

Metro

Pagsuspinde sa barangay SK elections desisyunan na! - Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsuspinde sa barangay SK elections desisyunan na! - Comelec
inabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na makaka­pagdesisyon na ang Kongreso hanggang katapusan ngayong Agosto kung sususpindihin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang makapag­handa sila.

Sinabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre.

Sa kabila ng katwiran na makakatipid ang pamahalaan ng P8.141 bilyong pondo, personal na paniwala ni Garcia na dapat matuloy ang eleksyon upang hindi na muling mapagkaitan ng demokrasya ang mga botante.

“Tama po na magkaron ng halalan. Subalit, kinikilala natin na ito ay isang absolute na discretion ng ating Kongreso kung ­ipagpapaliban o itutuloy ang darating na halalan na SK and barangay election,” ayon kay Garcia.

Ang eleksyon din umano ang paraan para mapalitan na ang mga tiwali, mga walang ginagawa sa posisyon, at walang maipakitang performance sa pamahalaan.

“At the same time, ‘yan naman ay isang pagkakataon din upang mapanatili natin ang mga lider na sa ating palagay naman ay karapat-dapat na mamahala sa atin nang tuluy-tuloy,” dagdag pa niya.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with