^

Metro

1,100 batang Kankaloo natanggap sa trabaho

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa unemployment crisis na dulot ng pandemya, nagsasagawa ng local recruitment activity ang Public Employment Service Office’s (PESO) ng Caloocan City kung saan nasa 1,109 resident ang natanggap sa trabaho.

Ayon kay Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, target nilang makapagbigay ng trabaho sa mga taga Caloocan  partikular sa mga high school at college graduates kaya’t nakipag ugnayan sila sa ilang kompanya kabilang ang McDonalds, Alorica, VXI, EEI Corporation at iba pa.

Tiniyak ni Malapitan na  ilalapit nila ang trabaho at oportunidad sa mga Batang Kankaloo kaya makikipag ugnayan pa rin sila sa ibang mga kompanya.

Sinabi naman ni PESO Officer-in-charge Violeta Gonzales, tuluy-tuloy ang hiring programs  na tulong sa mga residente  na makabangon matapos ang dalawang taon.

“Nagpapasalamat po tayo sa PESO sa hindi mapapantayang dedikasyon at pagtugon niyo sa ating hangarin na maglaan ng pagkakataon para makabangon ang ating mga kababayan sa krisis,” ani Malapitan.

Bukas ang  local recruitment activity ng PESO sa North Caloocan tywing Huwebes habang tuwing Biyernes naman sa South Caloocan.

Magdala lamang ng resume, valid identification card na residente ng Lungsod at   vaccination card na nagpapatunay na fully-vaccinated.

vuukle comment

PESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with