^

Metro

Las Piñas fire: Mag-asawang senior, patay  

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Las Piñas fire: Mag-asawang senior, patay   
Kinilala ng Las Piñas City Police ang mga biktimang sina  Rolando B. Tablizo, 78 at Hortencia C. Tablizo, 78, ng  14 Lovely Road, BF Homes, Almanza Dos ng nabanggit na lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang septuagenarian nang ma-trap sa nasusunog nilang  bahay sa BF Homes sa Las Piñas City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ng Las Piñas City Police ang mga biktimang sina  Rolando B. Tablizo, 78 at Hortencia C. Tablizo, 78, ng  14 Lovely Road, BF Homes, Almanza Dos ng nabanggit na lungsod.

Nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-asawa dakong alas-10:00 ng gabi ng Agosto 5 at idinekla­rang fire-out alas-11:00 ng gabi.

Patuloy pang iniimbestigahan kung anong sanhi ng sunog na tumupok sa bahay ng mga biktima at sa kanilang sasakyang  Ford Ranger.

Bago ang sunog ay may narinig na dalawang malakas na pagsabog mula sa nasabing bahay.

Pinaniniwalaang na-suffocate umano  ang mag-asawa dahil sa makapal na usok buhat sa sala ng bahay kaya nahirapan nang maka- ­labas ang mga ito.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with