^

Metro

Ilang school service vehicles, wala pang balak mag-operate

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ilang school service vehicles, wala pang balak mag-operate
Ayon kay  Celso dela Paz, presidente ng Nagkakaisang Alyansa Samahan ng School Service sa Pilipinas, dalawang araw lamang ngayon ang pasok sa ilang mga paaralan dahil blended learning pa rin ngayong Agosto ang ipinaiiral ng  maraming paaralan.
Pixabay

MANILA, Philippines — Hindi muna mag-ooperate ang ilang mga school service vehicles para maghatid sundo sa mga mag-aaral ngayong pasukan.

Ayon kay  Celso dela Paz, presidente ng Nagkakaisang Alyansa Samahan ng School Service sa Pilipinas, dalawang araw lamang ngayon ang pasok sa ilang mga paaralan dahil blended learning pa rin ngayong Agosto ang ipinaiiral ng  maraming paaralan.

Sinabi ni dela PAz na kung mag-ooperate sila ngayong Agosto na dalawang araw lamang ang pasok ng mga estud­yante, maaaring  hindi sila kumita dahil sa pambayad sa kanilang driver at mataas ang halaga ng diesel.

Anya hindi rin nila alam ang presyong si­singilin sa mga magulang ng mag-aaral sa dalawang araw na pasok at hindi papayag ang mga magulang na gawing arawan ang kanilang singil sa mga seserbisyuhang mag-aaral.

Sinasabing hihirit din ng mga magulang na babaan ang singil sa school service.

Una nang nagpalabas ng anunsyo ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na balik operasyon na ang  school transport services dahil mara­ming paaralan na ang magsasagawa ng face-to-face classes.

Sinasabing sa  Nob­yembre pa inaasahang fully implemen­ted ang pasok ng mga estud­yante  sa mga paaralan.

vuukle comment

CELSO DELA PAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with