^

Metro

Rollback sa petrolyo, bawas-singil sa Meralco asahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rollback sa petrolyo, bawas-singil sa Meralco asahan
An attendant counts money after filling up a motorcycle with gasoline at a petrol station in Manila on March 15, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Posibleng may asahan muling rollback sa presyo ng petrolyo, maging ang bawas-singil sa Meralco, ngayong Agosto.

Ito ay base sa unang 4 na araw ng trading ng langis sa World Market.

Nabatid na halos P2 na ang ibinagsak sa pres­yo ng diesel, P1.56 sa gasolina at P2.42 sa kerosene.

Kasunod ito sa pagbagsak ng demand dahil sa pangambang recession o paghina ng ekonomiya ng malalaking bansa kaya pababa ang presyo ng langis.

Sa kabila ng serye  na rollback sa langis, aminado naman si  Department of Energy-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na malabo pang bumalik ito sa dating presyo na P40-P50 kada litro.

Samantala, may na­mumuro ring bawas-si­ngil sa Meralco.

Paliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na bagama’t mayroon umanong repricing ng natural gas na puwedeng magpataas sa singil, mayroon ding hahatak naman pababa sa overall na August billing.

“It can go either way, but in the event of an upward pressure di naman siguro masyadong magiging malaki ngayon. May posibilidad din naman ng downward pressure,” dagdag pa nito.

Posibleng ngayong Agosto ito maramdaman, gayunman wala namang binanggit pa kung mga magkano ang posibleng ibababa nito.

FUEL PRICE

ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with