^

Metro

Goverment emergency vehicles lamang ang exempted sa toll fee - TRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Goverment emergency vehicles lamang ang exempted sa toll fee - TRB
A rushing ambulance
Camilo Jimenez on Unsplash

MANILA, Philippines — Tanging ang mga emergency vehicles lamang ng gobyerno na may official business ang exempted sa toll fee.

Ito ang paliwanag ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesman Julius Corpuz bilang reaksiyon sa report na isang private firetruck na nagresponde sa isang sunog sa Bulacan ay pinagbayad ng toll fee nang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ni Corpuz na ang mga exempted lamang sa pagbabayad ng toll fee sa expressways ay mga government vehicles na emergency vehicles tulad ng public ambulances; firetrucks; clearly marked vehicles ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Jail Management and Penology; clearly marked Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board impoun­ding vehicles.

Anya ang mga na­banggit ay dapat nasa ka­nilang official business at dapat magpapakita ng kanilang official trip ticket sa toll booths.

Niliwanag naman ni Corpuz na bagama’t ang mga private emergency vehicles ay hindi exemp­ted sa toll fees, ang toll ope­rators naman ay nag­bibigay sa kanila ng lee­way para gamitin ang expressways ng libre.

“Sila ay pinagbibigyan ng ating toll operators sapagkat alam ng ating toll operators na sila ay rumeresponde lamang sa isang emergency na kinakailangan na gampanan naman nila,” paliwanag pa ni Corpuz.

Sinabi ni Corpuz na upang masolusyunan ang ganitong sitwasyon, kailangang abisuhan ng mga toll operators ang kanilang mga empleyado sa toll lanes na payagan ang mga emergency vehicles public man o pribado para makadaan sa expressways ng libre.

Pinayuhan din ni Corpuz ang toll operators na abisuhan ang kanilang mga tauhan na maging maunawain pagdating sa mga usapin ng emergencies.

Noong nagdaang linggo, isang trak ng bumbero ng Marikina Filipino-Chinese Fire Brigade Volunteers ang reresponde sa isang sunog sa Calumpit, Bu­lacan ang pinahinto sa NLEX Mindanao toll pla­za at pinagbayad.

EMERGENCY VEHICLES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with