^

Metro

DOTr, may nakatabi nang pondo sa ‘Libreng Sakay’ hanggang Disyembre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr, may nakatabi nang pondo sa âLibreng Sakayâ hanggang Disyembre
Commuters wait in long queues for a "Libreng Sakay" by the Department of Transportation at the EDSA Carousel Bus Station along Main Avenue on Monday morning, July 18, 2022.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Siniguro ni Department of Transportation (DOTr) chief Jaime Bautista na may nakatabi na silang pondo para sa kanilang Libreng Sakay program hanggang Disyembre, 2022.

“Meron na po tayong pondo. Nakapag-set aside na po ang Department of Budget [and Management],” ayon pa kay Bautista, sa isang panayam sa telebisyon.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Bautista matapos na matanong kung may sapat na pondo ang pamahalaan para sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang sa Disyembre.

Kaugnay nito, hindi pa naman matukoy ni Bautista kung maaari pang palawigin ang naturang free bus rides sa susunod na taon.

Aniya, “Sa ngayon po, ang Libreng Sakay up to December 31, 2022 lang po.”

Matatandaang sa ilalim ng Libreng Sakay program, umuupa ang pamahalaan ng mga bus upang magkaloob ng libreng sakay sa mga commuters na bumibiyahe sa EDSA.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with