^

Metro

Vhong Navarro kasuhan ng rape - CA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vhong Navarro kasuhan ng rape - CA
Vhong Navarro.

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Taguig City Prosecutors Office na sampahan ng kasong Rape at Acts of Lasciviousness ang komedyanteng aktor at  ‘It’s Showtime ‘  host na si Ferdinand ‘Vhong’ Navarro base sa reklamong inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa desisyong inilabas ni 14th Division Associate Justice Florencio Mamauag Jr. nitong Hulyo 21, pinanigan ng appelate court ang petition for certiorari na inihain ng kampo ni Cornejo. Binaligtad nito ang naunang mga resolusyon ng Department of Justice (DOJ), na nagbasura sa kaniyang ‘petitions for review’.

Ibinasura rin ng CA ang petisyon ng kampo ni Navarro na humiling na idismis ang kaso dahil sa katwiran na ma­ling remedyo umano ito.

Iginiit ng CA na nagkamali ang DOJ nang tanggihan ang petisyon ni Cornejo na marebyu ang kaso dahil sa ‘inconsistent’ at hindi kredible ang kaniyang mga pahayag sa kaniyang ‘complaint-affidavits’.

Ipinaliwanag nito na ang isyu ng kredibilidad ay dapat sinusuri sa mismong pagdinig na sa korte.
Nabatid na nagsampa ng tatlong kaso ng Rape at Attempted Rape si Cornejo laban kay Navarro. Ibinasura ito ng Taguig City Prosecutors Office at maging ng DOJ kaya humantong ito sa CA.
“The Court also notes Na­varro’s admission that he and Cornejo had consensual oral sex on January 17, 2014. Given the peculiar nature of rape, it almost always presents a ‘he said, she said’ scenario which leaves the trial court the task to decide whom between the private complainant or the accused should it believe,” ayon sa desisyon ng CA.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with