^

Metro

Ateneo shooter, inilipat na sa BJMP Custodial Facility

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ateneo shooter, inilipat na sa BJMP Custodial Facility
Suspected gunman Chao Tiao Yumol (L) is escorted by police at Camp Karingal following his arrest after three people were killed in a shooting at Ateneo de Manila University in Quezon City, suburban Manila, on July 24, 2022. Three people were killed July 24 in a rare shooting at a university in the Philippine capital Manila, officials said, in what appears to have been a targeted political assassination
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nai-turn over na kahapon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Custodial Facility sa Payatas ang Ateneo shooter na si Dr. Chao Tiao Yumol.

Si Yumol ang suspek sa pagpatay sa dating mayor ng Lamitan City na si Rose Furigay, kanyang executive assistant na si Victor Ca­pistrano at sa rumespondeng guwardya ng  Ateneo de Manila University na si Jeneven Bandiala noong Linggo.

Bago ang paglipat mula sa Quezon City Centralized Custodial Facility, dumaan muna si Yumol sa medical examination.

Ayon sa PNP, nakatakda na rin sa susunod na linggo ang arraignment ni Yumol para sa mga kasong tatlong bilang ng murder, frustrated murder, carnapping, at malicious mischief na kinakaharap nito.

Samantala, inilibing na rin ang ama ni Yumol na si Mang Rolando, 69, noong Biyernes ng hapon matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa harapan ng kanilang tahanan sa Basilan.

Inihatid ng mga kaibigan at kakilala sa kanyang huling hantungan ang mga labi ni Rolando sa bakanteng lote na pag-aari rin ng pamilya sa Lamitan City.

Wala naman umanong kaanak ang nakapunta sa li­bing dahil na rin umano sa takot sa nangyaring pagpatay.

Humihingi na rin ng tulong ang pamilya Yumol sa pulisya dahil sa takot na iisa-isahin na silang patayin ng mga salarin.

Mariin na rin namang pinabulaanan ng pamilya Furigay na may kinalaman sila sa naturang krimen.

Umapela rin ang pamilya sa pulisya na imbestigahan ang krimen at alamin kung sino ang may kagagawan ng pagpatay, gayundin ang motibo nito sa krimen.

BJMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with