^

Metro

Valenzuela fire: 50 kabahayan natupok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 50 kabahayan ang naabo habang mahigit naman sa P1 milyon ang halaga ng napinsala sa naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog  bandang alas-2 ng hapon sa kahabaan ng Tampoy 2 Street, Brgy. Marulas  ng lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan sa lugar kung saan idineklara ang 4th alarm bandang alas-3:10 ng hapon.

Dakong alas-4:50 ng hapon nang maapula ang apoy matapos na mag­responde ang mga bumberto sa nasabing lugar.

Sa pahayag ni BFP Supt. Bernard Batnag, nasa 100 pamilya ang naapektuhan matapos na matupok ang nasa 50 kabahayan.

Kasalukuyan tumuloy sa Valenzuela National High School na ginawang pansamantalang evacuation center ang mga pamil­yang nawalan ng tahanan .

Namahagi na ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng relief goods sa mga pamilyang nawalan ng tahanan sa insidente. Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog..

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with