^

Metro

2 utas nang makaladkad ng trak isang motorsiklo sa Maynila

Philstar.com
2 utas nang makaladkad ng trak isang motorsiklo sa Maynila
Satellite image ng kanto ng San Marcelino Street at UN Avenue sa Maynila
Google Maps

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang patay matapos salpukin ng isang truck sa Maynila madaling araw ng Martes.

Ayon sa Manila police traffic bureau, nangyari ang aksidente kanina sa kanto ng San Marcelino Street at UN Avenue sa Maynila.

Ang lugar na pinangyarihan ng disgrasya'y sinasabing malapit sa Manila Police District Office.

Sa ulat ng GMA News, nakahinto noon ang sasakyan dahil sa pula pa ang stoplight ngunit nang agad pinatakbo ang trak nang lumipat ang ilaw sa berde. Laking gulat na lang niya nang may tumunog sa ilalim ng kanyang minamanehong sasakyan. 

Nakaladkad ang driver at isa pang nakaangkas sa motorsiklo na agad binawian ng buhay.

Patungo sana ng San Andreas area ang naturang truck.

Ayon sa resulta ng inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng tinangka ng driver ng motorsiklo i-beat ang red light nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang hawak na ng pulisya ang driver ng truck para sa imbestigasyon.

Hindi pa naman pinapangalanan ng mga awtoridad ang mga nasawi sa aksidente. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

MANILA

MANILA POLICE DISTRICT

MOTORCYCLE

ROAD CRASHES

TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with