^

Metro

P6 milyong ipupuslit na sibuyas nahadlangan ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P6 milyong ipupuslit na sibuyas nahadlangan ng BOC
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na nagsalita laban sa mga pagtatangkang dungisan ang reputasyon ng ahensiya at ng mga opisyal nito, ang naturang operasyon ay patunay ng pagsusumikap at sakripisyo ng BOC na tuparin ang kanilang commitment na protektahan ang mga borders ng Pilipinas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6 milyong halaga ng mga misdeclared fresh white onions ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at napigilang makapasok sa bansa, bilang bahagi ng kanilang anti-smuggling efforts.

Nabatid na ang naturang kontrabando ay naka-consigned sa Silverpop Dry Goods Trading at nakum­piska sa International Container Port (MICP) noong Hunyo 28 lamang.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na nagsalita laban sa mga pagtatangkang dungisan ang reputasyon ng ahensiya at ng mga opisyal nito, ang naturang operasyon ay patunay ng pagsusumikap at sakripisyo ng BOC na tuparin ang kanilang commitment na protektahan ang mga borders ng Pilipinas.

Naisagawa rin ang operasyon sa kasagsagan ng mga alegasyon ng ilang grupo na ang mga opisyal ng Customs ay naging protektor na ng mga smugglers ng agricultural products.

Ikinalungkot ng mga tauhan ng BOC  ang pagtatangka ng ilan na hilahin pababa ang ahensiya.

Ayon naman kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, naalerto ang kanilang tanggapan matapos makatanggap ng “derogatory information” na ang mga shipments mula sa naturang consignee ay naglalaman ng mga agricultural products at misdeclared at undeclared items.

BOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with