^

Metro

Balik-ruta giit ng jeepney groups sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Balik-ruta giit ng jeepney groups sa LTFRB
PUJs ply their route along EDSA-Aurora Boulevard intersection in Quezon City on June 9, 2022. The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has recently approved the P1 provisional fare hike for jeepneys in Metro Manila, Regions 3 and 4.
THE STAR / Miguel Antonio De Guzman

MANILA, Philippines — Hiniling ng ibat-ibang grupo ng jeepney operators at dri­vers sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik na ang dati nilang ruta o biyahe ng mga pampasaherong sasakyan na nakasaad sa kanilang mga prangkisa.

Sa kanilang petition letter na isinumite sa LTFRB nina ALTODAP President Boy Vargas, Pasang Masda ng Obet Martin, ACTO President Libay de Luna sinabi ng mga ito na balik na naman ang dami ng bilang ng pasahero dahil nagbukas na ang mga negosyo at opisina  kaya’t marapat lamang na ibalik na ang kanilang mga dating ruta.

Sa ngayon ang mga passenger vehicles ay binigyan ng special permit sa panahon ng pandemic.

Binigyang diin din ng mga ito na napapanahon na maibalik sa kanila ang kanilang mga dating ruta upang madagdagan ang kanilang kita.

Sobrang tindi anila ang epekto sa kanilang hanapbuhay ng patuloy na dagdag presyo ng gasolina kaya’t kailangan na ang ganitong paraan para kahit papaano ay may maiuwi sila sa kanilang mga pamilya.

 

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with