^

Metro

Pagsasara ng EDSA-Timog flyover, nagdulot sa mabigat na daloy ng trapiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagsasara ng EDSA-Timog flyover, nagdulot sa mabigat na daloy ng trapiko
File photo shows construction workers repair cracks in the EDSA-Timog flyover in Quezon City on June 17, 2022.
The STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Nagdulot nang mabigat na daloy ng trapiko malapit sa EDSA-Timog flyover sa  ­Quezon City kahapon ng umaga, dahil sa  isinarang southbound lane nito.

Batay sa ulat, pasado alas-4:00 pa lamang ng madaling araw ay kapansin-pansing bumper-to-bumper na ang mga sasakyan sa bahagi ng EDSA-Timog pa-Makati at Maynila.

Kaagad namang nagsagawa ng assessment at pag-i-inspeksiyon sa lugar ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nakatakda na rin umanong magtalaga ng nasa 100 personnel, kasama na ang augmentation mula sa Highway Patrol Group, lokal na pamahalaan ng Quezon City, at Inter-Agency Council for Traffic, para magtulungan sa traffic management.

Matatandaang isinara ang EDSA-Timog flyover southbound simula Sabado para sa isang buwan na pagkukumpuni nito.

Tiniyak na ng public works department na gagawin nila ang lahat para matapos nang mas maaga ang rehabilitasyon ng tulay at kaagad itong mabuksan sa mga motorista. — Ludy Bermudo

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with