^

Metro

6 na tauhan ng MMDA, kinuyog, binugbog sa clearing operations

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang anim na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang pagtulungang bugbugin ng isang grupo ng   e-trikes drivers at mga vendor na apektado sa isinagawang clearing operations, sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Iniharap ni MMDA chairman Romando Artes ang mga biktima sa pangunguna ng clearing operation team leader na si (Retired military  Master Sgt.) Jose Zabala Sr., at mga tauhan na sina Adrian Nidua, Jericho Fabella, Mario Martin, Jimmy Valencia, at Eddie Boy Garas, na nakatakdang maghain ng reklamong physical injury at assault in person of authority laban sa mga suspek.

Naganap na insidente dakong alas-2:50 ng hapon noong Linggo sa harapan ng Dexin Building na matatagpuan sa panulukan ng EDSA at Don Carlos Revilla St., Pasay City.

Nag-viral sa social media ang video, kung saan makikita kung paano kinuyog ang mga tauhan ng MMDA at pagbubugbugin.

Mariing kinondena naman ni MMDA Task Force Special Operations (TFS) head Bong Nebrija ang naganap na pambubugbog sa MMDA enforcers.

Tinutugis na ng Pasay Police ang mga suspek, na ayon sa hepe na si P/Colonel Desar Paday-os, mayroon na silang person of interest.

Ayon kay Zabala, ikinagalit ng mga e-trike drivers ang pagkumpiska nila sa mga e-trikes na lumabag sa ipinatutupad na pagbabawal na dumaan sa Edsa.

Nakasakay na umano sa truck ng MMDA ang e-trikes na sapilitang binawi ng mga suspek.

Ani Zabala, bukod sa isang e-trike, natangay din ang apat pang e-trikes na sakay ng kanilang truck nang pwersahang bawiin ng mga kumuyog sa kanila.

Nagbabala naman si Artes na aaraw-arawin na nila ang pagsasagawa ng clearing operation sa lugar at hindi matatakot sa naganap na kaguluhan.

 

  

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with