^

Metro

Higit 60 immigration officers idedestino sa NAIA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 60 immigration officers ang idaragdag ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para palakasin ang bilang ng tauhan na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga internasyunal na biyahero na pumapasok at lumalabas ng bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na 63 immigration officers ang nakatakdang magtapos ng kanilang isang buwang pagsasanay sa immigration laws at rules o procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.

Kabilang ang 63 sa 195 immigration officers na bagong ‘hire’ ng BI. Ilan pa sa kanila ang sasalang sa pagsasanay sa academy sa oras na mai-deploy na ang unang batch sa Hulyo.

“We are confident that the deployment of these new immigration inspectors will help address the perennial problem of lack of manpower of BI personnel,” saad ni Morente.

Sinabi ni Carlos Capulong, BI acting port operations chief, na tiyempo ang pagdaragdag ng mga tauhan lalo ngayon at tumataas muli ang bilang ng pasahero na dumarating at lumalabas ng bansa makaraan ang mga restriksyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 17,000- 20,000 average daily arraival ng mga pasahero mula nang buksan ng Pilipinas ang borders sa mga turista mula sa dating 4,000- 5,000 lamang.

BUREAU OF IMMIGRATION

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with