^

Metro

MMDA nagsagawa ng clearing ops sa alternatibong ruta ng mga trak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Sa panunumpa ni BBM

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng preparasyon sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30, nagsagawa simula kahapon ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para walang sagabal sa mga alternatibong ruta para sa mga trak.

Nabatid din sa MMDA na magpapatupad na ng road closures sa Hunyo 27 kaugnay sa paghahanda sa inagurasyon ng ika-17 pangulo ng bansa.

“Meron na tayong pagsisimula ng pagsasara June 27, ito yung ano na ‘to, yung rehearsals na gagawin, kaya magkakaroon ng pagsasara dyan, mismo sa Padre Burgos na kung saan yung main activity area natin ano, pati yung Plaza Dilao madadamay din,” ani Bong Nebrija ng MMDA Task Force Special Operations.

“And then ang main concern po namin is yung truck route, yung manggagaling sa Osmeña to Quirino to Lacson to Yuseco Capulong then lalabas sa R-10. Napakasikip po ng lugar na yan, ang dami pong obstruction dyan. Ang daming illegally parked vehicles at saka yung mga truck, yung mga container po dyan po nakatengga yung iba kaya po kini-clear iniisa-isa na po namin yan,”dagdag pa ni Nebrija.

 

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with