^

Metro

Libreng solar charging station sa e-bike, scooter, itinatag ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang libreng solar charging station para sa mga electronic bike at electronic scooter para hikayatin ang publiko sa paggamit ng mga alternatibong pa­raan ng transportasyon at isulong ang’green and renewable energy’.

Ang solar charging station, ay matatagpuan sa bagong MMDA head office building sa Barangay Ugong, Pasig City, ay bubuksan sa publiko sa Lunes, Hunyo 27, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas -7:00 ng gabi.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang proyekto ay makakatulong sa pagpapagaan sa pasanin ng publiko sa gitna ng mataas na halaga ng mga produktong petrol­yo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng libreng serbisyo na maaari nilang mapakinabangan sa tuwing kailangan nilang mag-charge ng kanilang mga e-vehicle.

Ang mga gustong mag-charge ng kanilang mga e-vehicle ay dapat magdala ng sarili nilang charging cord at cables.

Sinabi rin ni Artes na nagpaplano siyang magtayo ng kahalintulad na charging station sa MMDA headquarters sa Orense, Makati para ma-accommodate ang mga tumatawid sa EDSA.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with