^

Metro

MMDA walang balak magpatupad ng expanded number coding

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
MMDA walang balak magpatupad ng expanded number coding
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na sa ngayon ay patuloy na nababawasan ang bilang mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada dahil sa mataas na presyo ng gasolina.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang balak ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng  expanded number coding scheme dahil walang pangangailangan upang gawin ito.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na sa ngayon ay patuloy na nababawasan ang bilang mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada dahil sa mataas na presyo ng gasolina.

Moderate na rin aniya ngayon ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Sinabi pa ni Artes na ipinauubaya na ng kanilang tanggapan sa administrasyon ni inco­ming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung magpapatupad ng expanded number coding scheme.

Tiniyak ni Artes na mananatili ang kasalukuyang  umiiral na number coding.

Layunin ng expanded number coding na bawasan ng 50 percent ang volume ng mga sasakyan sa kalsada.

Ayon pa kay Artes, Mayo 5 ay  nasa 417,000 ang bilang ng mga sasakyan na mas mataas kumpara sa 405,000 na bilang noong pre-pandemic level. Pero noong Hunyo 9 aniya, biglang bumaba ang bilang sa 392,000.

Sinabi pa ni Artes na lalo pang nabawasan ang bilang ng mga sasakyan noong Hunyo 19 at  nabawasan pa ito ng 2,000 na pumalo na lamang sa 390,000.

Paliwanag ni Artes, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang dahilan kung kaya nabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user