^

Metro

Pekeng ‘rescue bus’, hinuli ng I-ACT

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng ârescue busâ, hinuli ng I-ACT
Nabatid na pinara ng mga operatiba ng I-ACT ang naturang bus na hindi na binanggit ang kompanya sa may Roxas Blvd. dahil sa pagiging ‘overload’.  Ngunit alibi ng tsuper nito, meron umano silang nadaanan na nasiraang bus sa Cavite at nagmagandang-loob sila na isakay ang mga istranded na pasahero.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi nakatakas sa mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang tsuper at kaniyang konduktor nang magpanggap na ‘rescue bus’ matapos na hulihin na bumibiyahe ng overload sa may Parañaque City nitong nakaraang Lunes.

Nabatid na pinara ng mga operatiba ng I-ACT ang naturang bus na hindi na binanggit ang kompanya sa may Roxas Blvd. dahil sa pagiging ‘overload’.  Ngunit alibi ng tsuper nito, meron umano silang nadaanan na nasiraang bus sa Cavite at nagmagandang-loob sila na isakay ang mga istranded na pasahero.

Ngunit agad siyang sinagot ng isa sa mga galit na pasahero na pinasinungalingan ang alibi ng driver.  Ayon sa isang babaeng pasahero, sinadyang punuin na parang sardinas ng tsuper ang bus sa may Dasmariñas at Imus, Cavite pa lamang  at wala namang nirespondehan na aksidente.

Hindi rin mapaliwanag ng driver kung bakit Lawton ang naka-display na sign board ng bus imbes na PITX lamang ito.  Gumagarahe ang bus sa may Ca­vite at bumibiyahe ng PITX-Monumento.

Kinumpiska na ng I-ACT ang lisensya ng hindi na pinangalanan na tsuper at binigyan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa violation na excess passenger.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with