^

Metro

Barangay kagawad, mister arestado sa pamemeke ng dokumento

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Barangay kagawad, mister arestado sa pamemeke ng dokumento
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Remus Medina, ang mga naarestong suspek na sina Glady Perez, 46, barangay kagawad, at Henry Perez, 49, kapwa residente ng Campbridge St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad at mister nito na wanted sa kasong falsification of document at perjury sa isang operasyong isinagawa sa Cubao, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Remus Medina, ang mga naarestong suspek na sina Glady Perez, 46, barangay kagawad, at Henry Perez, 49, kapwa residente ng Campbridge St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni Lt. Col.  Mark Julio Abong, nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa kanilang tahanan.

Ang pagdakip ay isinagawa sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Judge Peter Filip Sia Abelita, ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 132 dahil sa kasong falsification of documents at perjury.

Ani Medina, nakapiit na ang mga suspek habang ang hukumang pinagmulan ng mga utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.

“Wala po kaming pinipili sa pagtugis ng mga nagtatago sa batas. Ang kanilang pagkakasala sa ilalim ng batas ay kailangan nilang panagutin,” aniya pa.

ARREST

FAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with