^

Metro

PNP sa human rights groups: ‘Sumama sa anti-illegal drug ops’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa alegasyon ng pang-aabuso

MANILA, Philippines — Hinikayat ni PNP-OIC chief PLt.Gen. Vicente Danao ang human rights groups na sumama sa  kanilang mga ikakasang anti-illegal drug operations upang maiwasan ang mga alegasyon na may pang-aabuso sa kanilang war on drugs.

Ayon kay Danao, welcome ang mga human rights groups na sumama sa kanilang operasyon dahil wala naman itinatago ang PNP.

Nais lamang nilang matigil ang isyu na may paglabag sa karapatang pantao sa tuwing nagsasagawa sila ng drug operations.

Aniya, kung may nasawi sa operasyon, nangangahulugan lamang na nanlaban ang mga suspek dahilan para protektahan din ng mga operatiba ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.

Kunuwestiyon ni Danao na, bakit hindi pinapansin ng human rights groups ang mga nasa­wing pulis sa operasyon at tinututukan lamang ang mga kriminal.

Maituturing na ‘unfair’ sa PNP na kwestiyunin ang kanilang war on drugs at hindi nakikita ang sakripisyo na umaabot sa pagbubuwis ng buhay.

Batay sa record, nasa 800 mga pulis na ang nasawi sa kanilang anti-illegal drug operations.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with