^

Metro

8-anyos ‘pina-squat’ ng magulang, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
8-anyos âpina-squatâ ng magulang, patay
Samantala, arestado naman dahil sa kasong parricide at homicide in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang mga suspek na nakilalang sina Kimberly Villadolid, 29, ina ng biktima, at kanyang asawang si Germarc Franklin Villadolid, 39, call center agent, stepfather ng biktima, at kapwa residente ng Bldg. O, Unit 1732, Urban Deca Homes, Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. Rosario.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 8-anyos na batang lalaki ang nasawi nang pina-squat at umano’y pagpapaluin ng kanyang sariling ina at asawa nito, habang umano’y ‘dinidisiplina’ sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Rosario, Pasig City, kamakalawa.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Mission Hospital ang biktima hindi na pinangalanan.

Samantala, arestado naman dahil sa kasong parricide at homicide in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang mga suspek na nakilalang sina Kimberly Villadolid, 29, ina ng biktima, at kanyang asawang si Germarc Franklin Villadolid, 39, call center agent, stepfather ng biktima, at kapwa residente ng Bldg. O, Unit 1732, Urban Deca Homes, Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. Rosario.

Batay sa ulat ni Pasig City Police chief PCOL Roman Arugay kay Eastern Police District (EPD) Director BGen Orlando Yebra Jr., dakong alas-3:51 ng hapon nang ideklarang patay ni Dr. Peter Joshua Ancheta ang biktima.

Bago ang insidente, isinugod umano ng mga suspek ang biktima sa pagamutan matapos na mawalan ito ng malay habang nasa loob ng kanilang tahanan.

Sa isinagawang cursory examination sa bangkay ng bata, nadiskubre ng mga doktor ang presensiya ng hematoma sa kanyang mga hita at braso kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Kaagad namang inaresto ng mga tauhan ng Substation 7 ang mga suspek sa kanilang tahanan at ipiniit.

Nabatid na inamin naman ng mga suspek sa interogasyon na bago isinugod sa pagamutan ay ‘dinisiplina’ umano nila ang bata dahil sa nagawa nitong kasalanan, na hindi naman binanggit kung ano.

Pina-squat umano nila ang bata at kapag hindi ito nakakasunod sa kanilang ipinapagawa ay pinapalo nila ito ng tsinelas hanggang sa makita na lamang nila itong wala ng malay-tao sanhi upang isugod sa pagamutan.

Nakatakda namang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi nang pagkamatay nito.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with