^

Metro

SCTEX may toll hike simula June 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng toll rate adjustment para sa motoristang dumaraan sa Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) epektibo sa Hunyo 1.

Ito ay makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation  na dag­dag na P0.78 kada kilometro para sa mga motoristang daraan sa SCTEX.

Sa ilalim ng bagong toll matrix, ang mga motorista na may Class 1 vehicles na bumibiyahe sa Mabalacat City patungong Tarlac ay sisingilin ng karagdagang P31.

Para naman sa mga may Class 2 vehicles na dumaraan sa parehong ruta, sisingilin sila ng karagdagang P61 habang ang mga motorista na may Class 3 vehicles ay magbabayad ng karagdagang P92.

Samantala, sisingilin naman ng karagdagang P49, P98, at P147 ang mga moto­rista na gumagamit ng Class 1, 2, at 3 vehicles, na dumaraan sa Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan na malapit sa Subic Freeport.

Hindi muna sisingilin ng bagong toll rates ang mga pampasaherong bus na daraan ng SCTEX sa susunod na tatlong buwan bilang ayuda ng kompanya sa bus sector.

SCTEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with