Taguig fire: 2 dedo
MANILA, Philippines — Dalawa katao ang iniulat na nasawi sa naganap na sunog sa Taguig City, Biyernes ng gabi (Mayo 27).
Kinilala ng Taguig- Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nasawi na sina Eduard Carimat, 38; at Maria Eloisa Fuentes, 7-anyos.
Nagsimula ang sunog dakong alas-10:40 ng gabi sa Barangay Bagumbayan na umabot lamang sa first alarm.
Naapula ang apoy alas -11:09 ng gabi.
Rumesponde ang nasa 11 trak ng bumbero, kabilang ang tatlong volunteer groups.
Patuloy pa ang pag-iimbestiga sa sunog na tumupok ng tinatayang P30,000 halaga ng ari-arian.
- Latest