^

Metro

PNP sa CHR: Pag-disperse sa mga raliyista, tama lang!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP sa CHR: Pag-disperse sa mga raliyista, tama lang!
Tension arose after militant groups tried to go in front of the Commission on Human Rights along Commonwealth Avenue on May 25, 2022 to stage a protest rally and oppose the canvassing of the House of the Representative in Batasan, Quezon City.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na tama lamang ang ginawa nilang pag-disperse sa mga raliyista na nagsagawa ng kilos protesta sa compound ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. General Roderick Augustus Alba, naging ‘unruly’ ang mga raliyista kung kaya’t napilitan silang gamitin ang mga ito ng water cannon habang nagaganap ang proklamasyon ng susunod na presidente at bise presidente nitong Miyerkules.

Giit ni Alba, nirerespeto ng PNP ang kalayaan ng pagpapahayag pero kalabisan ang ginawa ng mga nagpoprotesta.

Nanindigan si Alba na ipinatutupad ng PNP ang maximum tolerance sa lahat ng “mass action” na kailangang panghimasukan ng mga pulis.

Base aniya sa inisyal na imbestigasyon, tinadyakan at inagaw ng mga protesters ang mga kalasag ng mga pulis, kaya na-pwersa sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na bombahin sila ng tubig.

Tinangka rin aniya ng mga protesters na lumabas sa Liwasang Diokno, na isang Freedom Park kung saan malaya silang magtipon, at lumikha ng traffic obstruction sa Commonwealth Avenue.

Tiniyak naman ni Alba na magsasagawa pa rin ang PNP ng mas malalimang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

CHR

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with