^

Metro

Mag-live in niratrat ng tandem: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23- anyos na lalaki habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama nito, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Rizal Avenue sa panulukan ng Bambang St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) ang biktimang si Ferdinand Inquillo Guevarra, habang patuloy pang inoobserbahan ang kinakasama niyang si  Erika Ann Gabriel, 20, kapwa residente ng Brgy. 254 , Tondo, Maynila.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo na pawang nakasuot ng  full face helmet.

Sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-2:00 ng hapon  nang maganap ang pamamaril sa northbound side ng Rizal Avenue malapit sa panulukan ng Bambang St.

Nabatid na bumaba ng tricycle ang mga biktima at isa pang babae na sinasabing ina ni Guevarra nang biglang sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo at pinaputukan sila.

Pinaniniwalaang si Guevarra ang pakay ng dalawang suspek dahil binalikan pa ito ng putok kahit nakabulagta na.

Patuloy pa ang imbestigas­yon sa insidente para matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.

JRRMMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with