^

Metro

Pagkaubos ng healthcare workers pinangangambahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagkaubos ng healthcare workers pinangangambahan
Patients and their companions crowd outside Amang Rodriguez Medical Center in Marikina City as they wait to be admitted to the hospital on Monday, Jan. 3, 2022 as the Philippines records a sharp increase in COVID-19 cases at the start of the year.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nangangamba ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) sa ‘exodus’ o paglisan ng marami sa kanilang “skilled” healthcare professionals sa gitna ng pagbubukas ng mga oportunidad sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay PGH spokes­person Dr. Jose Jonas Del Rosario, posibleng marami sa kanilang healthcare workers na karamihan ay mga skilled ang mag-resign para sa mas magandang kompensasyon sa ibayong dagat.

“Nag-open po ang maraming bansa para sa mga healthcare worker. Madami po kaming nakikitang resignation ngayon at ‘yung mga iba po, skilled talaga sila. Mga matagal na pong operating room nurses, mga nasa ICU po,” pahayag ni Del Rosario.

Upang agad namang matugunan ang mga inaasahan nilang vacancies, sinabi ni Del Rosario na sinisimulan na rin nila ang recruitment ng mga bagong staff.

Handa rin anya ang PGH na i-train ang mga nurse na kaunti pa lang o walang professional experience.

“Iyon po ang aming problema. In fact, ang PGH po ay nananawagan sa mga nurses na mag-apply po. Marami po kaming bakante nga­yon. Hindi lang sa ICU or operating room, pati sa mga ward. They’re actively recruiting para habang medyo may kaunting katahimikan ay madagdagan bago dumating, kung sakali lang, magkaroon ng surge…Kahit bago lang, willing kami mag-train sa kanila basta mag-apply sila sa PGH,” paliwanag ni Del Rosario.

Sa ngayon, kabilang na rin ang Taiwan at Saudi Arabia sa talaan ng mga bansang pinayagan ang OFW deployment.

HEALTHWORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with