^

Metro

2nd booster sa medical frontliners, senior citizens sa San Juan, umarangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2nd booster sa medical frontliners, senior citizens sa San Juan, umarangkada na
A health worker shows syringes filled with Pfizer vaccine as they administer the first dose to those belonging to A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens) and A3 (persons with comorbidity) categories during their continuation of vaccination program for San Juaneños at FilOil Flying V Centre (San Juan Arena) on May 12, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang pagbabakuna ng 2nd booster sa mga medical frontliner at senior citizen sa San Juan City matapos ianunsyo ng Department of Health na kwalipikado na ang parehong sektor sa 2nd booster bilang pag-iingat sa COVID-19 ngayong may banta ng bagong Omicron subvariants.

Kahapon ay pinangu­nahan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang pagbibigay ng 2nd booster sa V-Mall sa naturang lungsod gamit ang Pfizer vaccine.

Patuloy namang ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang walk-in sa mga gustong magpabakuna.

Ang mga nais magpa-2nd booster ay dapat munang magparehistro sa San Juan City Vaccine Registration Portal para mabigyan ng schedule.

Dapat ding 4 na buwan na ang lumipas mula nang matanggap ang 1st booster bago maturukan ng 2nd boos­ter.

Ayon kay Zamora, mula nang buksan ang registration, 2,000 na ang nagparehistro sa kanila para sa 2nd booster at sisikapin nilang makapagbakuna ng 1,000 kada araw.

Target ni Zamora na matapos ang pagbabakuna ng 2nd booster sa 3,000 kwalipikadong medical frontliner sa loob ng 5 araw at 2 linggo naman para sa 15,000 kwalipikadong senior citizen.

Sa ngayon, 80 percent ng kanilang target population ang nabakunahan ng 1st booster. Handa naman umano sila sa bagong Omicron subvariant at naalerto na ang mga ospital at quarintine facility sa lungsod hinggil dito.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with