^

Metro

10 kalsada kukumpunihin ng DPWH

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta dahil sa ikakasang 10 pagkukumpuni ng mga kalsada ngayong weekend.

Inumpisahan ang ‘road re-blocking’ ng DPWH nitong Biyernes ng alas-11 ng gabi at tatagal ng Mayo 23 o sa darating na Lunes ng madaling araw.

Kabilang sa mga kukumpunihin ay ang: EDSA Santolan southbound (SB) sa San Juan City (innermost lane-bus way) mula Santolan hanggang Annapolis MRT Station patungo sa V.V. Soliven Driveway; EDSA Quezon City northbound (NB) at EDSA Quezon City Southbound pagkatapos ng P. Tuazon (Service Road) sa tapat ng Cubao Farmers, bago at pagkatapos ng Kamuning Road 2nd lane at EDSA SB sa kanto ng Arayat.

Kukumpunihin din ang C-5 Road NB (1st lane) matapos ang Mckinley Road sa Makati City; C-5 Road SB (2nd lane) sa Makati City; Mindanao Avenue SB sa Quezon City mula BJMP hanggang Congressional Ave.; Tandang Sora Ave. sa Quezon City mula Visayas Avenue hanggang San Miguel St.; Times Street sa Quezon City hanggang kanto ng West Avenue.

Kasama rin ang EDSA SB Quezon City Service Road 1st lane sa South Ave. intersection at 1st lane mula ng South Ave. hanggang Kamuning Road; 1st at 2nd block ng C.P. Garcia Avenue sa Quezon City; at C-5 Road (SB) sa Pasig City sa may Pasig Blvd. at Doña Julia Vargas Westbound.

Bubuksan ang mga kalsada dakong alas-5 ng madaling araw sa Lunes ngunit habang kinukumpuni ang mga ito ay inaasahan ang pagbibigat ng trapiko.

DPWH

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with