^

Metro

Mas matindi pang trapik, asahan sa Hunyo – MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mas matindi pang trapik, asahan sa Hunyo – MMDA
Long lines at the Q-Mart EDSA Bus Carousel station and heavy traffic along the Southbound lane of EDSA in Quezon City greet commuters and motorists on the first day of the workweek, Monday (April 18, 2022), following the Holy Week break.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Asahan na umano sa susunod na buwan ang mas lalong pagbigat ng trapiko dahil sa pagdami ng mga sasakyan sa mga kalsada sa Metro Manila na inaasahang lalampas sa pre-pandemic level, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na ang karaniwang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila bago ang halalan ay nasa 40,000.

“Yan po ay 5,000 short na lang noong pre-pandemic le­vel na 405,000. Pero tandaan pa po natin, wala pa pong pasok,” ani Artes.

Kung magkakaroon po ng face-to-face classes ngayong Hunyo, ay i-expect pa natin na mas marami pa, mukhang mabi-breach po yung 405,000 na pre-pandemic level,” aniya pa.

Isa pang punto dito ay ang mga bagong biniling sasak­yan mula noong pandemya na maaaring tumaas sa “higit pa sa kalahating milyon.”

“So 16 to 17 percent po niyan ang pumapasok sa Metro Manila or nandito po sa Metro Manila, so expect po natin na mas maabot pa ‘yung daloy ng traffic ngayong Hunyo,” paliwanag ni Artes.

Upang matugunan ito, muling iginiit ni Artes ang panukala ng MMDA na i-adjust ang oras ng pagtatrabaho sa opisina ng gobyerno sa layuning maibsan ang ma­tinding trapiko.

Matatandaang noong nakalipas na Abril nang ­imungkahi ng MMDA ang adjustment sa working hours ng government offices na alas-7 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Nakatakda na rin aniya, ang pulong nila kay Ci­vil Service Chairman Karlo Nograles sa susunod na linggo para sa mungkahi na gawing 7 o’clock ang simula ng pasok ng mga kawani sa pamahalaan.

Binanggit din ni Artes ang panukalang baguhin ang number coding scheme na magbabawal sa ilang sasakyan sa mga pampublikong kalsada sa tuwing rush hour dalawang araw sa kada lingo.

MMDA

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with